Pinuno ng drug syndicate timbog sa buy-bust; SK chair tiklo rin


BAGSAK sa kulungan ang babaeng lider umano ng drug syndicate na nadakip sa buy-bust operation at ang SK chairman na tinulungan siyang magtago sa Pasay City.


Ayon sa ulat, dinakip ang utak ng drug gang na hindi kinilala sa Pasay Public Cemetery alas-9:15 ng gabi Lunes.


Pero bago pa madala sa presinto ay nakapuslit umano ang suspek kaya hinabol ng mga alagad ng batas.


Nasakote naman ito sa bahay ng SK chairman, na una umanong itinanggi na naroon ang suspek.


“Wala namang involvement ‘yung SK chairman sa buy-bust. Pero bakit niya tinatago nung tinanong siya?” ani Pasay City police chief Col. Cesar Paday-os.


Narekober sa babae ang anim na sachet ng shabu at marked money.


Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang kakasuhan ng obstruction of justice ang SK chairman.


Sinabi ni Paday-os na noong isang taon pa minanmanan ng kanyang mga tauhan ang babaeng tulak.