Pagbabakuna sa bata ‘di pa panahon–Duque

TINUTULAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang mungkahi na bakunahan ang mga batang may edad 12 hanggang 17 dahil hindi umano sapat ang suplay ng anti-Covid vaccine.


“Kinakailangan natin isaalang-alang ang kasalukuyang supply ng mga bakuna bago po tayo magpasya o pahintulutan ang pagbabakuna sa mga bata,” ani Duque sa Talk to the People ni Pangulong Duterte.


Idinagdag ni Duque na nananatili ang rekomendasyon ng DOH na bigyang prayoridad ang pagbabakuna sa mga may edad 18 at pataas.


Payag naman ang opisyal na bakunahan ang mga batang may mga comorbidities para sa kanilang proteksyon laban sa Covid-19.


“We can consider actually giving vaccination already to children who might be having comorbidities — may mga sakit sa puso, sa bato, sa utak, sa bato ha. So, baka ito po ay makatulong para mabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na Covid-19,” aniya. –WC