Duterte: Parang callboy na mayor di dapat maging pangulo

HINIKAYAT ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na huwag iboto bilang presidente ng Pilipinas ang isang mayor na may kumakalat na malalaswang larawan sa internet.


“Kayong mga Pilipino ‘wag kayong magpadala diyan sa mga pa-drama magsalita,” ani Duterte.


“Nakita ko nga sa Facebook kanina, naka-bikini ang gago, tapos may isa pang picture na sinisilip niya ‘yung ari niya. ‘Yan ang gusto ninyo? Ang training, parang, para lang, parang callboy. Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini, ‘yung garter tinatanggal niya,” dagdag ng Pangulo.


“‘Yan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture, at magsilip, magyabang sa kanilang ari?” aniya pa.


Hindi man pangalanan, isa lang ang tinutumbok ni Duterte.


Bago pumasok sa politika, isang aktor si Manila Mayor Isko Moreno na gumawa ng iba’t-ibang pelikula. –WC