SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na naghahanda na ang pamahalaan para sa pagbabakuna ng mga batang May edad 0 hanggang apat.
“For the zero to four years old, we still — we are still waiting and seeing the approval from the stringent regulatory countries like the US, UK and EU. So wait and see muna po tayo dahil kasi wala pa po tayong mga datos para po sa pagbabakuna ng zero to four,” sabi ni Galvez.
Idinagdag ni Galvez na sisimulan ang preparasyon ng pamahalaan sa ikalawang bahagi ng taon.
“As we understand, the vaccines that will be used for our toddlers or ‘yung tinatawag nating mga — mga ano po, mga baby, will be different formulation,” aniya.