IMINUNGKAHI ng isang eksperto ang pagbabakuna nang 24 oras para mas maraming Pilipino ang mabigyan ng proteksyon kontra Covid-19.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng DoH Technical Advisory Group, na ginagawa na sa ibang bansa ang buong araw na pagbabakuna.
“Nabalitaan natin na may mga bansang gumawa ng 24/7 vaccination. Isa sigurong puwedeng paraan iyon lalo na sa mga facilities na mayroon naman talagang operations araw-araw at 24 hours,” ani Lim.
Idinagdag ng opisyal na maaaring gamitin ang mga ospital bilang “all-day and all-night vaccination centers.”
Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 porsyento ng mga Pinoy para makamit ang herd immunity sa bansa at tuluyang mapababa ang bilang ng tinatamaan ng Covid-19.