PINALAGAN ng Commission on Human Rights ang nais ni Pangulong Duterte na arestuhin ang mga lalabas sa lansangan na hindi bakunado.
Ayon sa CHR isang paglabag sa karapatang pantao ang pag-aresto sa mga unvaccinated na mga Pinoy.
“While the 1987 Constitution provides that liberty of movement can be restricted in the interest of national security, public safety, or public health, it still requires a law to make the said restriction legal,” ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia.
“Any arrest made on these grounds may be illegal; thus, violative of the Constitution and our guaranteed human rights,” sinabi ng tagapagsalita.
Kamakailan sa kanyang Talk to the People, inatasan ni Duterte ang ma opisyal ng barangay na i-restrain ang mga hindi bakunado sa kani-kanilang mga tahanan at kapag pumalag ay arestuhin.