TULOY-TULOY pa rin ang pagbibigay diskwento ng Jollibee Foods Corp. sa mga bakunado na magda-dine in sa kanilang mga restaurant hanggang Nobyembre 30.
Bibigyan pa rin ng 150 Jollibee restaurants sa Metro Manila at kalapit na probinsiya ang mga dine-in customers na bakunado ng hanggang 10 percent discount. Ito ay bahagi ng Ingat Angat’s Smart Bakuna Benefits program.
Bukod sa Jollibee, tuloy pa rin angpagbibigay ng 10 percent discount sa mga sister companies nito na Chowking, Mang Inasal, Greenwich, Burger King, Panda Express and PHO24. Ang Red Ribbon, na bahagi rin ng Jollibbee conglomerate, ang magbibigay rin ng 10 percent discount para sa mga take-out transactions.
Kailangan lang ipakita ang kanilang vaccine card at government-issued ID para ma-enjoy ang diskwento. Pwede rin ma-enjoy ng mga bakunado na nakaisa pa lang na dose ang diskwento.
“We are glad to extend the discount promo so more customers will enjoy the benefits of vaccination apart from protecting their health. We hope that through this collective effort of the restaurant industry, more Filipinos will be encouraged to get inoculated so we can help the country achieve population protection at the soonest time possible,” ayon sa Jollibee Group sustainability and public affairs officer na si Pepot Miñana,