GOOD news sa mga health workers ng bansa!
Ito ay matapos ilabas ng Department of Budget and Management ang kabuuang P9.02 bilyon para sa Covid-19 special risk allowance (SRA) ng tinatayang 298,202 healthcare workers sa pampubliko at pribadong ospital sa buong bansa.
Inaasahan ng DBM na agad na maipamamahagi ng Department of Health ang budget sa lahat ng mga health workers bago pa matapos ang buwan.
Ayon kasi kay Budget Assistant Secretary Kim Robert De Leon na meron na lamang na tatlong araw ang DOH para makumpleto ang pamamahagi ng pondo dahil magtatapos na ang Bayanihan Recover as One o Bayanihan 2 sa Hunyo 30, 2021.
Sinabi ni De Leon na tatanggap ng P5,000 kada buwan mula Disyembre 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 ang mga health workers o kabuuang P35,000 katumbas ng pitong buwan.
“The validity of funds, ay sinource po natin sa funds under Bayanihan 2 na ang validaty lang po ay sa June 30, 2021 kaya po sa ating pakikipag-ugnayan sa DOH, talagang double if not triple time po kami na ma-irelease ito,” sabi ni De Leon.
“Na-receive po ng DBM yung request noong June 23, at kahit po holiday ng 24 ay inovertime natin yan para ma—release ng June 25,” dagdag niya.