SINABI ni Pangulong Duterte na may nakalaang P250 bilyon sa National Treasury sakaling muling tumaas ang mga kaso Covid-19 bunsod ng mga bagong variant.
“The COVID-19 or its variants would come back with vengeance,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
Idinagdag ni Duterte na tumataas na naman ang mga kaso sa Japan at China.
“Remember when I asked the Congress that ‘yung 250 billion ba ‘yun, nasauli na sa Treasury. Sinabi ko na huwag na lang itong galawing amount, leave it as it is as specific money ready if there is another resurgence of the virus,” dagdag ni Duterte.