Ospital sa NCR unti-unti nang napupuno ng Covid patients

NARARAMDAM na ng mga ospital sa Metro Manila ang pagdami ng kaso ng Covid-19.


Sa Philippine General Hospital ay nagsimula nang maghigpit ng protocols matapos ituring na lahat ng kasong dumarating ay Delta variant.


“We are bracing ourselves for a possible surge. We’ve been ready because the Delta variant is already here,” ani Dr. Jonas del Rosario, PGH spokesman.


“We have implemented stricter protocols in terms of infection control measures among our employees and health care workers. We have also increased our oxygen supply,” dagdag niya.


Samantala, nagbukas na ng panibagong intensive care unit ang Philippine Heart Center para lamang sa mga pasyente ng Covid-19.


Ayon sa isang ulat, nasa 43 sa mahigit 100 Covid-19 beds sa San Lazaro Hospital ang okupado na.


Napag-alaman na karamihan sa mga pasyente sa mga nasabing ospital ay hindi bakunado.