Akyat-hotel’ nalaglag, durog

NAGKALASOG-lasog ang katawan ng umano’y magnanakaw na nahulog mula sa ikalimang palapag ng pinasok niyang hotel sa Baguio City nitong Biyernes.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek, na wala nang buhay nang datnan ng mga rumespondeng pulis.


Ayon sa ulat, nagising ang guest ng hotel sa ingay ng suspek alas-5 ng umaga.


Agad na lumabas sa bintana ang suspek nang makita ang biktima, pero nawalan umano ito ng balanse kaya nahulog.


Hawak pa ng suspek ang bag ng biktima nang dumating ang mga imbestigador.


Naibalik naman sa may-ari ang bag na may laman na pera at cell phone.