SUPORTADO ng OCTA Research Group ang pagpapatupad ng ordinary general community quarantine (GCQ) o GCQ na walang restrictions sa NCR Plus simula Hunyo 16.
Sa isang panayam, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bukas ang grupo sa pagsusulong nang mas pinaluwag na GCQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bunsod ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa loob ng bubble.
“Isang prevailing recommendation is ire-retain ‘yung GCQ, pero ‘yung GCQ na hindi na heightened ang restrictions,” ani David.
Aniya, nasa .072 na lamang ang reproduction rate ng infection sa Metro Manila, kung saan pumapalo na lamang sa 900 kada araw ang mga kaso habang wala nang 40 porsyento ang hospitalization rate.
Sa Lunes ng gabi ay inaasahang ihahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address ang bagong quarantine status sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa .–WC