Inday Sara dedma sa music video?



IPINAGKIBIT-balikat lamang ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang inilabas na music video ng kanyang mga supporters na kinukumbinse siyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.


Hindi nagbigay ng kanyang saloobin si Duterte-Carpio ukol sa music video at hindi rin niya sinabi kung napanood na niya ito.


Kahapon ay isinapubliko ng Ituloy ang Pagbabago Movement (IPM) ang music video kung saan sinasabi na taglay ni Duterte-Carpio ang mga katangian ng susunod na pangulo ng Pilipinas: maprinsipyo, maaasahan, malapit sa publiko, matalino, at may puso.


Hindi man siya binanggit sa music video, makikita sa huling bahagi nito ang babaeng nakatalikod na hawig ang itsura sa alkalde at presidential daughter.


Kamakailan ay muling iginiit ng alkalde na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo bilang pagsunod sa utos ng amang si Pangulong Duterte.


“The President already said he does not believe I am fit to be President because I am a woman. Period,” aniya.