TINIYAK ni Acting presidential spokesperson Karlo Nograles ang tulong ng pamahalaan sa mga Overseas Filipino workers sa Hong Kong sa harap ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease at ang pag-abandona umano ng mga employer sa kanilang mga kasambahay sa sandaling ma-infect ng COVID-19.
“The Philippine government, through our Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Hong Kong, is currently extending assistance to our overseas Filipino workers who tested positive for COVID-19,” sabi ni Nograles.
Idinagdag ni Nograles na agad nagbigay ng tulong ang POLO sa mga apektadong OFWs.
“Our POLO immediately provided them with food, hygiene kits and power banks to allow them to communicate while waiting for calls from the Center for Health Protection and HK Labour Department,” sabi ni Nograles.
Idinagdag ni Nograles na sa 28 Pinoy na nagpositibo sa Covid-19, lima na ang nakarekober at tatlo rito ang nakabalik na sa kanilang employer.