OCTA: Kaso ng Covid sa MM tumaas ng 53%

SINABI ng OCTA Research Group na tumaas na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila ng 53 porsiyento mula sa dating 10 porsiyento.

“From 10 percent to 53 percent, iyong seven-day average ng bilang ng kaso. Tumaas from 86 to 131 cases per day tapos iyong reproduction number sa NCR ay nasa 1.59 na. Iyong positivity rate tumataas din, nasa 2.7 percent iyong positivity rate sa testing at iyong healthcare utilization at bahagyang tumataas rin,” ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa briefing ngayong Martes.

Aniya pa, maaaring sa 400 hanggang 500 kada araw ang mga kaso sa Metro Manila.

“So, medyo bumibilis iyong pagtaas ng bilang ng kaso kasi dati nasa mga 65 cases lang tayo per day tapos baka umabot na siya ng mga four hundred to five hundred by end of June. So, bumibilis rin talaga iyong pagtaas ng bilang ng kaso,” dagdag pa ni David.