NANINIWALA ang OCTA Research Group na hindi inaasahan na tataas ang mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa harap ng napipintong pagpapatupad ng opsyonal na pagsusuot ng face mask.
Gayunman, sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na dapat pa ring maging mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga crowded na lugar gaya ng palengke mass gathering at encloses areas.
“Hindi naman natin pino-project na magkaroon ng talagang pagtaas ng kaso dito kung masusunod nang maayos yung polisya na ito,” sabi ni David.
Iginiit naman ni David na dapat pa ring mag-mask ang mga senior citizen at mga may comorbidities.
“Yung mga senior and mga vulnerable, na high risk na maospital, nire-recommend natin na mag-face mask,” aniya.
Nauna nang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Bongbong Marcos na alisin na ang mandayory face mask sa mga open areas.