MAAARING umabot sa 4,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa darating na eleksyon, ayon sa OCTA Research group.
Batay sa karanasan ng bansa, sinabi ng OCTA na nangyayari ang COVID-19 surge kada tatlong buwan dahil sa mga bagong variant sa bansa.
“May nakita tayong uptick in some regions sa Pilipinas especially siguro yung medyo mababa yung vaccine coverage that is why important patuloy natin ang vaccine coverage at saka yung vaccinations and pagpapaboosters,” sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David.
Sianbi ng Vaccine Expert Panel na ang bansa ay nangangailangan ng isang immunity wall kaysa sa herd immunity upang matugunan ang posibleng pagkalat ng mga bagong variant ng COVID-19.
“Right now because of these variants nga ang ating tinitignan ay yung immunity wall ng lahat. Noong dati we are talking about 80%, now we want it more than 90% to 95%,” ayon kay VEP Chair Dr. Nina Gloriani.