HANGGANG ngayong araw na lamang ang libreng sakay sa bus para sa mga essential workers at authorized persons outside residence (Apors), ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Inanunsyo ng LTFRB na hanggang Miyerkules, Disyembre 22 na lamang ang libreng sakay dahil ang budget para sa Service Contracting Program Phase II, ay nagastos na.
“Based on the monitoring reports of the LTFRB, it showed that the overall funding [for the program] has been consumed,” ayon sa kalatas na ipinadala ng LTFRB.
Sa programa, ipinatupad ang libreng sakay para bigyang serbisyo ang mga essential workers partikular na ang mga nasa health sectors dahil sa kakulangan ng mga pampublikong sasakysan dahil sa restriksyon na ipinatupad ng pamahalaan habang nasa gitna ng pandemya.
May mga PUV drivers ang kinontrata ng LTFRB para sa programa kung saan sila ay binayaran ng fixed rate per kilometer ng kanilang biyahe. Nasa P10 bilyon ang pondong inilaan para sa service contracting program.