NGAYON na nasa “new normal” na ang Metro Manila at 38 iba pang lugar dahil nasa ilalim ito ng Alert Level 1, nagpaaalala naman ang gobyerno sa publiko na panatiliin ang pag-obserba sa minimum health protocol upang hindi muling tumaas ang kaso ng coronavirus disease.
“Our reaching Alert Level 1 may be regarded as a victory but this is not yet the time to celebrate. We need to be responsible to ourselves, our families, and our communities. Even if we have controlled it, the threat of COVID-19 remains in our midst,” ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles nitong Lunes.
Inilalarawan ng pamahalaan ang pagsasailalim sa Alert Level 1 bilang “new normal”.
Nakiusap si Nograles sa mga fully vaccinated na magpa-booster shot at ang pagpapabakuna sa mga batang edad 5-11.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa tapos ang pandemya dahil hindi pa naaabot ng bansa ang endemic stage.
“What the endemic state means is that the virus will be around, will be with us in our lives but the number of cases or even deaths will be acceptable to our society or to us Filipinos,” paliwanag ni Vergeire.