LIKE him or not, isang giant “meme” factory si presidential spokesperson Harry Roque.
Hindi pa man nagse-settle sa consciousness ng publiko ang description niyang “NCR plus” para sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna na ngayon ay nasa ilalim ng general community quarantine ay maraming nang atake rito ang mga netizens.
“Upcoming releases: NCR Pro, NCR ProMax, NCR A+, ACR MindPro at NCR Proplus… Gatas/Phone version,” pakwela ng isang tweet. “Ang susunod niyan NCR Plus Rich in Protein with L-Carnatine and High Fiber Fortified with Calcium + Vitamin C,” isa pang hirit din sa Twitter.