NCR Plus isasailalim sa GCQ kung…

MAIBABABA lamang ang quarantine status ng NCR Plus sa general community quarantine (GCQ) simula sa Mayo kung mababawasan ang mga Covid-19 patients sa mga ospital.


Ani Trade Sec. Ramon Lopez sa panayam ng ANC, malaki ang posibilidad na mailagay sa GCQ ang Metro Manila, Bulacan,Laguna, Cavite at Rizal sa susunod na buwan.


Pero dagdag niya kailangan munang mabawasan ang mga pasyente sa intensive care units (ICU) at magkaroon ng epektibong contact tracing.


“But if we need more time for that, assuming cases are still up, of course hindi pwedeng basta ka lang mag-GCQ on May 1. Iyan ang mga binabalanse natin. Kapag na-solve natin ‘yun, possible May 1, if not, May 15,” aniya.


Nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus hanggang Abril 30. Bago ito ay dalawang linggong ipinairal sa nasabing mga lugar ang mas istriktong enhanced community quarantine (ECQ).