Duque nagpabakuna ng Sinovac

NAGPABAKUNA si Health Secretary Francisco Duque III sa Maynila ngayong araw gamit ang CoronaVac vaccine mula sa Sinovac Biotech ng China.


Umapela naman siya sa publiko na magpaturok na at sineguro na ligtas at mabisa ito.


“As I receive my dose of the Covid-19 vaccine today, I invite everyone to do the same, and choose to be protected,” ani Duque.


“Let us all take part in protecting public health, and let us be in unison in spreading one message: that vaccines are safe, and vaccines are effective,” dagdag niya.


Matatandaang unang tumanggi ang kalihim na mabakunahan ng CoronaVac dahil ipanagbabawal ito sa may edad 59 pababa, pero noong Abril 7 ay inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang paggamit ng nasabing bakuna sa mga senior citizens.