HINDI pa kailangan isailalim ang National Capital Region sa Alert Level 4, ayon sa mga Metro Manila mayors sa kabila nang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.
Ito ang sinabi ngayong Lunes ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos matapos pagpasyahan ng mga alkalde na panatiliin na muan sa Alert Level 3 ang buong Kamaynilaan.
Ang pasya ay ginawa ng Metro Manila Council noong Biyernes, Enero 7.
“Ang kasunduan ng mga mayor is [in] the meantime, we will maintain Alert Level 3. They will continuously monitor kung anong mangyayari dito sa HCUR (hospital care utilization rate) at kung kinakailangang dalhin sa Alert Level 4 at any time, papasok namin,” ayon kay Abalos sa isinagawang press briefing.
“The mayors see no need to escalate to Alert Level 4,” pahayag pa ni Abalos.