NCR hindi pa handa sa MGCQ

NANINIWALA ng OCTA Research group na hindi pa handa ang National Capital Region (NCR) na isailalim sa pinakamaluwag na quarantine classification na modified general community quarantine (MGCQ).


Ani OCTA fellow Prof. Ranjit Rye, dapat ikonsidera ang banta ng Delta variant at iba pang mutations ng Covid-19.


“We are not yet ready for MGCQ,” giit niya. “Metro Manila should keep its current quarantine after July 15 as a safeguard against the more contagious Delta variant.”


“Although maganda ang sitwasyon ngayon sa NCR, kailangan ho tuloy-tuloy na ma-sustain natin ito habang sinasabayan natin ng pag-increase ng vaccination natin,” dagdag ni Rye.


Pinaiiral hanggang Hulyo 15 ang GCQ with some restriction sa Metro Manila. –WC