Visionary Rudy Baldwin: Bagyo tornado, landslides sa Bohol

NAKITA sa isang pangitain ng visionary na si Rudy Baldwin na dadaanan ng malakas na bagyo at tornado ang probinsya ng Bohol na magreresulta sa kamatayan ng maraming tao.


“Ang Bohol ay may nakikita akong maraming kidlat na mangyayari pa lamang at may nakita akong buhay na mawawala,” post ni Rudy sa Facebook.


“Ang mga kidlat na nakita ko na mangayari sa Bohol at may karamihan ito kahit ilang ipo-ipo o tinatawag na tornado na mangyayari pa lamang. Makikita mo ang mga tornado na ito sa dagat at lupa,” dagdag ng “psychic reader” at “dream translator.”


Isiniwalat niya na may magaganap ding pagguho ng lupa sa probinsya.


“Isang bahagi ng kalsada sa Bohol ay matindi ang pagguho nito. Hindi lang isang pagguho ang nakikita. May isang kalsada ang biglaang pagguho ng bahagi nito. Nagbigay ito ng matinding pinsala,” aniya.


Matatandaan na noong 2019 ay sinabi ni Baldwin na babahain ang malaking bahagi ng probinsya, na hindi naman naganap. –A. Mae Rodriguez