IBINABA sa moderate mula sa COVID high risk ang buong Kamyanilaan, ayon sa Department of Health nitong Biyernes.
“Bumababa na po nang husto ang ating mga kaso at nakarating na tayo sa moderate risk case classification,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isinagawang briefing sa Palasyo.
Nauna nang inilagay sa high risk ang buong Kamaynilaan noong Enero 24.
Inilagay sa moderate risk dahil ang average daily attack rate per 100,000 population ay mula sa isang hanggang pito, na siyang kasalukuyang sitwasyon sa Metro Manila.
Ang high risk naman ay kung ito ay mahigit sa pito habang ang minimal risk ay isa o wala.