Naturukan ng Pfizer, AstraZeneca vaccines di na makakahawa ng Covid?

MALIIT na ang tsansang makahawa ng Covid-19 ang mga nabakunahan ng Pfizer o AstraZeneca vaccines, ayon sa pag-aaral ng Public Health England.


Ayon sa mga eksperto, aabot sa 49 porsyento ang kabawasan sa posibilidad na makahawa ang mga tinamaan ng sakit tatlong linggo matapos maturukan ng Pfizer o AstraZeneca kumpara sa mga hindi pa nababakunahan.


Inaasahang bago mag-Hunyo ay darating sa Pilipinas ang 2.4 milyon doses ng bakuna mula sa Pfizer.


Nangako naman ang World Health Organization (WHO) na darating bago matapos ang buwan ang karagdagang suplay ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX global facility.