Namatay sa Covid-19 pinaglamayan

TATLONG araw nang pinaglalamayan ang bangkay ng babae sa Guiguinto, Bulacan bago nadiskubre na namatay pala ito sa Covid-19.


Agad namang ipina-cremate ang bangkay ni Maria Katrina Santos, 34, nang malaman ng mga kanyang mga kaanak ang kanyang ikinamatay.


Sa utos ng Department of Health, kailangang i-cremate sa loob ng 12 oras ang isang namatay na Covid positive.


Ayon sa ulat, naka-home quarantine na ang pamilya at mga kamag-anak ng namatay. Mahigit 100 naman ang tinatayang nagpunta sa burol.

Nakatakdang sumailalim sa Covid test ang ang mga ito.


Samantala, planong ireklamo ng pamilya ang Bulacan Medical Center na nag-release ng bangkay.


Bago ito, namatay si Santos habang ginagamot sa nasabing ospital dahil sa pagdurugo ng utak. Agad itong na-swab test.


Pero bago pa lumabas ang resulta ay pinayagan na umano ng ospital na ibigay ang bangkay sa pamilya para maiburol.