Pamboboso ng Mang Inasal manager buking

NAHAHARAP sa kaso ang manager ng Plaza Miranda branch ng Mang Inasal makaraang madiskubre ang ginagawa nitong pamboboso sa mga empleyado.


Dumulog sa “Idol in Action” ni Raffy Tulfo ang security guard ng nasabing restaurant na matatagpuan sa Hidalgo st. sa Quiapo, Maynila para ireklamo si Alvin Joshua Francisco.


Ayon kay Mark Evan Bernal, nagtataka siya at ang ibang empleyado ng restaurant kung bakit ayaw ipagamit ni Francisco ang banyo sa kanilang pagbibihis.


Imbes, dagdag niya, ay sa isang stock room sila pinagbibihis nito.


Sinabi ng sekyu na nagsuspetsa sila kaya hinalughog nila ang stockroom.


Sa isang gilid ay tumambad sa kanila ang isang cellphone na nagrerekord umano ng mga kaganapan sa nasabing siid.


Hawak ng sekyu ang cellphone kung saan umano makikita ang mga umano’y kabulastugan ni Francisco.


Napag-alaman na nagtatago na at hindi na pumapasok ang manager sa restaurant.


Samantala, naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng Mang Inasal at sinabing iimbestigahan nito ang pangyayari.


“Good Evening, this is Ed Timbungco, PR manager of Mang Inasal regarding the matter that you were asking about, the store owner is currently investigating the matter. We share in the desire to have this concern address as soon as possible,” ayon sa ipinadalang mensahe sa programa ni Tulfo.