Nagbebenta ng vaccine slots sumuko

SUMUKO ngayong araw sa otoridad ang indibidwal na umano’y nagbebenta ng inoculation slots at bakuna kontra Covid-19 sa Mandaluyong City.


Itinanggi naman si Kyle Bonifacio ang akusasyon at sinabing sumurender lamang siya para linisin ang kanyang pangalan.


Sumuko si Bonifacio kina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos at Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos.


“Gusto ko lang sabihin na hindi talaga ako nagbenta. Ang resibo na ‘yun ay bigay sa akin ng taong ‘yun,” ani Bonifacio.


“Confident ako na wala akong kasalanan dito. Lumutang ako sa publiko para matapos na ang isyung ito,” dagdag niya.


Matatandaang nag-viral ang screenshot ng inoculation slots na ibinebenta umano mula P10,000 hanggang P15,000 depende sa brand ng bakuna.


Bago ito, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na iisyuhan ng subpoena ang mga taong nasa likod ng bentahan.


“In order to further ferret out the truth on this controversy, I am invoking the power given to me by the law as the Chief PNP to issue subpoena against the persons involved in the alleged sale of Covid vaccines and vaccine slots,” aniya sa kalatas.


“Hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng gawain, totoo man o hindi, and I will do everything in my power as your Chief PNP upang mabigyan ng linaw ang isyung ito,” dagdag ng opisyal.