Kahit kumpleto bakuna na, Dagupan City mayor nagpositibo sa Covid-19

INIHAYAG ngayong araw ni Dagupan City, Pangasinan Mayor Brian Lim na nagpositibo siya sa Covid-19 kahit pa nakadalawang dose na siya ng bakuna.


Kasalukuyang nagpapagamot sa ospital, sinabi ni Lim na mayroon siyang mild pneumonia.


Nagpasalamat naman ang alkalde na kumpleto na siya ng bakuna kaya wala siyang natatamdamang severe na sintomas ng sakit.


Kinumbinse naman niya ang kanyang mga nasasakupan na magpabakuna na rin.


“Let us be reminded that we are still under a pandemic. This is why the national government is fervently pushing for the vaccination,” ani Lim said.