UMABOT na sa 70,677,771 milyong doses ang nagamit na bakuna ng pamahalaan sa patuloy na kampanya nito laban sa Covid-19.
Base sa datos, tinatayang 31,868,120 indibidwal ang fully vaccinated na.
“With our current pace and the eagerness of all sectors of society to hit and sustain a daily jab rate of 1.5 million, we are confident that by the end of November, half of our target population will be fully vaccinated,” sabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.
Idinagdag ni Galvez na kaya ng gobyerno ma maabot ang target nitong mabakunahan ang 77 milyong Pinoy o 70 porsiyento ng populasyon. Aniya, inaasahang mababibigyan ang 54 milyong indibidwal ng unang dose bago matapos ang buwan.