UMABOT sa 7,629,432 katao ang nabakunahan sa tatlong-araw na National Vaccination Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Base sa datos mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), umabot sa 2,713,731 doses ang naiturok noong Nobyembre 29; 2,466,728 noong Nobyembre 30 at 2,447,973 doses naman noong Disyembre 1.
“Kung dati ay libo-libo lang ang ating nababakunahan sa isang araw, ngayon ay nagawa na natin itong paabutin ng halos tatlong milyon kada araw. Ito ay dahil sa ating pagbabayanihan at pagkakaisa,” sabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.
Ayon pa sa mga datos, umabot na sa 55,415,753 indibidwal ang nakakuha ng unang dose o 71.84 porsiyento ng target na populasyon ng bansa.
Kabilang dito ang 36,869,419 indibidwal na fully vaccinated na.