PGH: 2 araw nang walang bagong Covid cases

SA dalawang magkasunod na araw ay walang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease ang Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, isang malaking development ang hindi magkaroon ng bagong kaso ng COVID-19 sa ospital, pagpapatunay na patuloy ang pagbaba ng kaso sa bansa.

Sa ngayon, tanging 54 pasyente lang ang naka-confine dahil sa Covid, pinakamababang naitala sa mahigit isang taon.

Una nang naglaan ang PGH ng 350 kama para sa COVID-19 patients sa kasagsagan ng pandemya.