BINIGYAN na ng Food and Drug Administration ng emergency use authorization ang Moderna vaccine para maiturok sa mga batang may edad 12 hanggang 17.
Ito ang sinabi ngayong Biyernes ni FDA Director General Eric Domingo sa isinagawang Laging Handa briefing.
“After a thorough evaluation by our Vaccine Experts and our regulatory experts po sa FDA, in-approve na po namin ngayong araw na ito ang paggamit under Emergency Use Authorization ng Moderna vaccine for adolescents ages 12-17,” sabi ni Domingo.
Ayon kay Domingo, dapat na bantayan lamang ang epekto ng bakuna sa mga menor de edad.
“Kailangan po nandoon and ito pong sa Moderna, very similar to the other vaccines like Pfizer, ang watch out for ng ating mga vaccinators at ng mga doctors iyong very rare cases of myocarditis. Para pong inflammation sa puso na nakikita sa mga very few, very rarely, one in for every million siguro—a few for every million na binakunahan at mas nakikita sa mga younger males,” aniya.