NAGSUMITE na ang Moderna ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng vaccine nito kontra coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na ngayong Lunes inihain ng Moderna ang aplikasyon nito.
Nakatakdang dumating ang halos 200,000 doses ng Moderna sa bansa ngayong Hunyo 15.
Nauna nang pumirma ang Pilipinas sa tripartite agreement sa pagitan ng US pharmaceutical company at pribadong sektor para sa pagbili ng 20 milyong doses ng vaccine.
Nauna nang inisyuhan ng FDA ng EUA ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Sputnik V ng Russia, Janssen ng Johnson and Johnson at Bharat.