SINABI ni Metro Manila Council (MMC) Chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na pabor ang mga mayor sa Metro Manila na ipatupad na ang Alert Level 1 simula Marso 1.
Ito’y matapos magpulong ang 17 mayor Martes ng gabi para talakayin ang magiging posisyon kaugnay ng pagluluwag ng quarantine classification sa NCR.
Nakatakdang magdesisyon ngayong weekend ang Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay ng susunod na alert level sa Metro Manila simula sa Marso.
Pabor din ang OCTA Research Group na ipatupad na sa Alert Level 1 sa Kalakhang Maynila.
Ayon sa OCTA, nasa 4.9 porsiyento na lang ang positivity rate sa NCR, mas mababa sa benchmark ng World Health Organization na 5 porsiyento para masabing kontrolado ang pagkalat ng COVID sa isang lugar.