Metro mayors sa ECQ extension: Bahala na kayo

WALANG rekomendaayon ang mga alkalde sa Metro Manila kung palalawigin o hindi ang enhanced community quarantine at sinabing bahala na ang inter-agency task force magdesisyon.


Sa Biyernes ay matatapos ang dalawang-linggong ECQ na ipinatutupad sa National Capital Region.


Ani Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, nahihirapang magdesisyon ang mga alkalde dahil kailangan nilang timbangin ang “economic and health factors” sa kanilang rekomendasyon.


“We feel it best to leave the decision to the wisdom and judgement of the IATF,” aniya.


“This is a very sensitive and critical matter right now. We do not want to have any wrong decision,” dagdag ni Abalos
Inamin naman ng opisyal na hindi niya alam kung ano magiging pasya ng IATF.


“Hindi namin alam ang magiging desisyon ng IATF. Kung ito’y ECQ, ayuda is a big issue there, kung mayroon pang pang-ayuda ang national government; I really do not know,” aniya. –A. Mae Rodriguez