ITINUTULAK ng mga alkalde sa Metro Manila na muling pairalin ang pinakamahigpit na lockdown status–ang enhanced community quarantine–bunsod ng muling pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.
Sa kalatas, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na payag ang mga mayors na muling isailalim sa ECQ ang National Capital Region nang dalawang linggo kung may pondong mailalaan ang gobyerno para sa ayuda.
“After heeding the advice of health experts and assessment of the 17 Metro Manila mayors, it was agreed to strictly enforce the PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate), and request at least four million vaccines to protect the NCR population against the possible spread of the dangerous Delta variant of COVID-19,” ani Abalos.
Paliwanag niya, magiging bukas ang bakuna sa buong populasyon ng NCR.
“Aggressive contact tracing, massive testing, and strict isolation would then be ramped up to further reduce COVID 19 cases in Metro Manila while waiting for the requested four million vaccines from the national government to achieve population protection as early as possible and prevent exponential growth of positive cases from Delta variant,” ayon sa opisyal.
Mahalaga rin aniya na pondohan ng pamahalaan ang ayuda para sa mga mahihirap na pamilya na maapektuhan ng pagdedeklara ng ECQ.