ISASAILALIM na sa mas mababang kategorya ng community quarantine ang Metro Manila simula Setyembre 8 hanggang 30, ayon sa anunsyo ng Malacanang.
Bagamat ilalagay sa general community quarantine ang Metro Manila, iba ang gagawing pagpapatupad dito dahil sa paiiraling localized lockdowns, paliwanag si Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon kay Roque, ang Metro Manila, na siyang sentro ng pandemya, ang gagawing modelo para sa paiiraling localized lockdown.
“The guidelines will be released, at the latest, tomorrow,” sabi pa ni Roque.
Ibig sabihin, ang mga alkalde o gobernador ay maaaring magdeklara ng sarili nilang mga lockdown sa mga maliliit na lugar — mula sa barnagay o partikular na kalsada — kung saan mataas ang bilang ng impeksyon.