TILA walang silbi ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus dahil patuloy ang pagsipa ng mga kaso ng Covid-19, ayon sa OCTA Research.
“Sa totoo lang, we are getting very concerned na the MECQ is not working,” ani Guido David ng OCTA.
Sa panayam sa TV, sinabi ni David na bago ideklara ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, ang pagdami ng impeksyon ay nasa 60 porsyento. Bumaba naman ito sa 20 porsyento nang ipinairal ang isang linggo na ECQ sa NCR Plus. Nag-negative pa ito sa ikalawang linggo ng ECQ.
“Pero this week, nawala na ‘yung negative growth rate. Suddenly, naging positive na naman ‘yung growth rate sa NCR. It increased to 4 percent compared sa last week. Nag-change ‘yung indicators, and that’s very concerning,” aniya.
Dagdag ni David: “Maybe the MECQ is not working. So we will know more, lalo na we will see the numbers today and tomorrow and by Monday, if they continue to be higher than what we’re expecting, it might be na ‘yung MECQ is actually not working.”