SA Martes pa malalaman kung pananatilihin pa ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire.
Nakatakdang magpulong sa nasabing are ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force Against Emerging Infectious Diseases para magdedesisyon sa quarantine status ng NCR Plus.
Inamin ni Vergeire na bagaman naiintindihan ng gobyerno ang posisyon ng OCTA Research Group kaugnay sa pagpapalawig ng MECQ, dapat din umanong ikonsidera ang ekonomiya ng bansa.
Nauna nang sinabi ng OCTA Research na kahit bumababa na ang mga kaso ng Covid-19 ay dapat na palawigin pa ang umiiral na MECQ sa NCR at limang malapit na lalawigan.
Nakatakdang magtapos sa Abril 30 ang MECQ na simulan noong Abril 12.