TULOY-TULOY pa rin ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face mask hanggang matapos ang termino ni Pangulong Duterte bilang proteksyon sa COVID-19.
“I’ll just state my case that there is no way that masks will not be required. It will be a part of the protocol for a long time until the last day of my office. That’s ‘my order and that’s what you will follow,” ayon kay Duterte nitong Lunes sa kanyang Talk to the People.
Naniniwala si Duterte kaya umano may pagtaas na naman sa kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa ay dahil nakakalimutan nang magsuot ng mask ng publiko at hindi na napapatupad ito nang maayos.
Dagdag pa ni Duterte kailangan pa rin ang mandatory na pagsusuot ng mask hanggang ito nakatitiyak ang bansa na ligtas na ito sa panganib na dala ng coronavirus disease.
Giit niya, hanggang siya umano ay nasa Malacanang ay mananatili ang mandatory na pagsusuot ng mask.