TINIYAK ni Pangulong Duterte na luluwagan na niya ang pinaiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sakaling patuloy na bumaba ang mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa NCR Bubble plus.
“But let me assure to the people that once things begin to clear, we will lift the quarantine immediately without delay,” sabi ni Duterte sa kanyang public address nitong Lunes ng gabi.
Idinagdag ni Duterte na tututukan din ng pamahalaan ang nangyayaring kagutuman sa bansa bunsod ng pandemya.
Sa mga kasamahan ko, maraming salamat sa pagkinig ninyo and I hope that you’d continue to listen to government.
“Susunod na pag-usapan natin ‘yong — ‘yong sa ano ang nasa loob ng Pilipino. One is the hunger. We are trying to do everything we can within the limited resources of government and, of course, ‘yong the opening of…,” dagdag ni Duterte.
Nanatiling epektibo ang MECQ sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang Mayo 15, 2021.