PINAKILOS na ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang buong kapulisan na paigtingin pa ang pagbabantay nito sa mga komunidad para maiwasan ang mga super-spreader events na lalong magpapalala ng coronavirus cases sa bansa.
Inatasan na ni Eleazar ang mga tauhan nito na tiyakin na mas visible sila sa mga pampublikong lugar para matiyak na masusunod ang health protocol.
“Based on the order of our SILG, Eduardo Año, I have instructed all police commanders throughout the country to intensify cooperation with the barangays in patrolling and vigilant against super-spreader events amid the threat of Delta variant of COVID-19,” ayon kay Eleazar.
Dapat ding alamin ng mga hepe ng lokal na pulisya kung hanggang ilang mga tauhan nito ang dapat ipakalat sa mga pampublikong lugar.
Binalaan din ng hepe ng Pambansang Pulisya ang mga organizer ng mga activities na posibleng dayuhin ng maraming tao at maging sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
“I also warn the organizers of these activities that no patience will occur when you are caught violating because we will make sure that you face multiple cases,” ayon pa kay Eleazar.
“I would rather you hate me for restricting super-spreader events than for us to simultaneously haul and burn corpses as happened in India because of your stubbornness and disregard for safety,” dagdag pa nito.