Pinay queens bida sa Harper’s BAZAAR Vietnam cover

BIDANG-BIDA sa July 2021 issue ng Harper’s BAZAAR Vietnam magazine ang apat na Filipina beauties na nagdala ng bandera ng Pilipinas sa mga sikat at glamorosong beauty pageants.

Laman ng Vietnam’s magazine cover sina Miss World 2013 Megan Young, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Earth 2015 Angelia Ong at Miss International 2016 Kylie Versoza.

Ibinida rin sa nasabing cover ang gown na dinisenyo ng Filipino designer na si Carl Arcusa na sumisimbolo naman sa bandila ng Pilipinas — pula kay Megan; ang royal blue naman ay kay Pia; puti naman ang kay Angelia at dilaw naman kay Kylie.

Ang cover ay bahagi ng selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng magazine sa nasabing bansa.