DAPAT munang mas mababa sa 2,000 ang daily Covid-19 cases sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bago pairalin ang General Community Quarantine.
Nangangamba ang OCTA Research na muling babahain ng mga pasyente ang mga ospital sakaling lumuwag agad ang quarantine status sa NCR Plus.
“Anything over 2,000 cases, mao-overwhelm po ‘yung ating hospital system,” ani OCTA Research fellow Prof. Ranjit Rye.
“2,000 cases a day sa NCR, we can manage po, ‘yun ay base sa pag-aaral namin sa OCTA,” dagdag niya.
Bago ito ay inirekomenda ng OCTA na palawigin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) nang isa pang linggo pagkatapos ng Abril 30 para mapanatili ang mababang bilang ng nga nagkakasakit.
“Once we have one or two weeks of MECQ, we will have a foundation to open up to GCQ na mas solid enough for us to sustain for the next three, four months po,” ani Rye.