SINABI ni Press Secretary Trixie Angeles na inaasahang maglalabas na ng bagong alert level sa bansa bago ang Agosto 1, 2022.
“That would be called on by the DOH, so we will have to wait. Anyway, right now, it is status quo. So we’ll maintain the alert levels for now. But the entire process is also continuously under review, so we’ll have to wait,” dagdag ni Angeles.
Nauna nang pinalawig ni Marcos ang alert level 1 sa bansa hanggang Hulyo 31, 2022.
Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), tiniyak ni Marcos na hindi na siya magpapatupad ng lockdown.