Maraming gumaling sa ivermectin–DU30

PINAMAMADALI ni Pangulong Duterte
sa Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trial ng ivermectin para sa Covid-19 dahil marami na ang nagpapatotoo na epektibo ito.


Sa Talk to the People address Lunes ng gabi, inatasan ni Duterte si FDA director Eric Domingo na tapusin agad ang clinical trial para malaman ang bisa nito.


“The earlier the studies are completed, whether or not it has the efficacy to fight Covid-19, is important kasi mura at available. And if it can lessen Covid by 50 percent, maganda na ‘yan, sa totoo lang,” ani Duterte.


Inihayag din ng Pangulo na marami nang nagsabi sa kanya na epektibo sa Covid-19 ang ivermectin, na isang gamot kontra-bulate sa mga hayop.


“There are a lot of credible people, doctors at that, at maraming sibilyan na they swear by their fathers’ graves na ‘yang ivermectin na ‘yan is doing good to their bodies while they are suffering from Covid-19. ‘Yung iba reported that the following day nakatindig na sila,” aniya.


“I’m telling you, a lot of people, in the province, maraming nagsasabi sa akin na gumaling sila pagkatapos nilang inumin itong bakuna sa bulate,” dagdag pa ni Duterte. –WC