ISINULONG ngayong Sabado na gawing mandatory ang pagbabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) sa harap naman ng direktiba ni Pangulong Duterte na paigtingin ang kampanya para maabot ang herd immunity sa bansa.
Sinabi ni National Task Force Against Covid-19 (NTF) spokesperson Restituto Padilla, Jr. na nirerepaso na ng mga opisyal kung paano gagawing compulsory ang pagbabakuna sa bansa.
Idinagdag ni Padilla na kasalukuyang pinagdedebatehan na ito ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon naman kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya na posibleng isulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang “no vaccine, no subsidy” policy sa mga benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito’y sa harap naman ng ulat na may mga miyembro ng 4Ps ang ayaw pa ring magpabakuna.